Entries Tagged 'General' ↓
pinaka-peb
February 13th, 2016 — General
Bakawan: ethos,bathos,pathos
February 12th, 2016 — General
Isang buong taon na ang dumaan
Buhat ng magbukas ang eksibit sa Vargas
Mahigit,kumulang anim na linggo
Nagbabyahe mula las pinas gang QC
Para magimbento ng mga hinaharap
Syempre higit na mahalaga
Makakuha ng pagkakataon para ikaw ay makumbida
At lubos na makilala.makasama
Kaso ikaw ay may ibang plano, lumipad sa amerika
Iniwan ako pansamantala.
Binuo ko mga timeline kong pangarawaraw, pangmatagalan
At pansamantagal, sa bawat yugto,andun ka
Pero kelangan kong tapusin nauna kong marindukanon At polyhedron.
Nainimbang ako sa mga pusibilidad
At dinatnan ang sanga-sangang bakawan
Di ko pa nadidiskubre ang katotohanan
sa likod ng ethos, bathos, pathos.
Ang tiyak ko LNG sana di umabot
Ang isa pang taon at sabay na tau
Gumagawa ng mga memorya….
Para sa kinabukasan
ikatlong linggo
February 11th, 2016 — General
Hapi 3rd wksari 3 linggo na,hugis suklay na ang buwan muli Bilog pa nang magsimula tayo Tatlong linggo nang pagsuyo Sa mga taong mahalaga sa buhay, Opisina,pamilya,kapitbahay. Abot langit,lumundag nang sansaglit Mga puso at damdamin,buong isip Bahagya man nahirapan sa pagsagupa Sa mga pader ng pagurirat, nalampasan naman lahat. Anuman dumating,pagkaraan ng 3 pang linggo. Nagbago man ang mukha ng buwan Hindi magbabago ang pakiramdam.
Mga gabay na tanong sa masining na pagkukuwento habang nakasakay sa tricycle
February 10th, 2016 — General
Paksa: arts congress
Bakit memorable ang arts congress?
Anong naisip o naramdaman mo nang tawagin ka ni ninong at personal na ipakilala sa akin?
Napansin mo bang iisa tayo ng van na sinakyan papunta sa silang?
Nung nagkakuwentuhan tayo sa reception area at nalaman mong bukod sa bday ay pareho rin tayo ng kurso at paaralang pinagtapusan, mayroon ka pa bang ibang nadiskubre?
May gusto ka bang itanong noon pero di mo nasabi? Bakit?
Paano ka nag-react sa naging presentation ninyo sa arts congress?
Ano ang mga naging impresyon at reaksiyon mo sa akin noong umiinom tayo ng franzia?
May pagkakataon ba na hinanap o nilingon mo ako sa oras ng mga kainan? Paano mo ito ginawa?
Noong pauwi na at pinababa ka ni ninong sa van na sinasakyan natin, anong naramdaman mo? Bakit?
Kung mauulit ang arts congress at naroon tayo, paano mo gustong baguhin ang daloy ng kuwento?
isang gabi nang muling ikaw pinaiyak
February 10th, 2016 — General
2nd weeksary
February 4th, 2016 — General
NIBAN SETSU/SHUKAN
Kalahating buwan na pala tayo,
kalahating hirap, kalahating sagana.
Sa bawat pag-inog ng araw
pinakamabilis ang Sabado.
Hindi pa nakakakumpleto ng siklo
isang pisngi pa lang dumudungaw
ang kabila naman bubungad
pagkaraan ng dalawa pang linggo.
Gayunpaman,
mararamdaman na natin
ang bigay ng grabidad
ang pagta-ib at paghibas.
Kasabay ng mga maghapong
naghihintay ng kasunod na pagsuyo.
Darating din tayo sa punto,
makakabuo na tayo,
nakakalahati na, kalahati pa uli.
assault, singleminded, relentless
February 2nd, 2016 — General
Quadrant 2: want hoshi desu
February 2nd, 2016 — General
Mas malinaw na ang nais ko,
nagkaroon tayo ng pagkakataon
sa paggitan ng isa’t kalahating araw
ng pagtitipon ng mga isip.
May mga detalyeng nakuha, mga surpresa.
Pareho pala ang mga araw ng kapanganakan,
kurso sa pamantasan, maging sertipiko
at kolehiyo.
Magkaiba lang ang taon,
kung kailan pumasok at natapos.
Nabaling na ang atensyon ko
medyo narendahan na ang mga pagnanasa ko sa iba.
Unti-unti nang nasasagot
ang mga katanungan ko sa buhay.
Pero kailangan kong lampasan
muna ang anim na linggo, ikatlong bahagi ng isang semestre
at kalahati halos ng isang termino. Sa gitna ng diliman
at Taft, kailangan kong bakahin
para magkaroon ng katiyakan:
Sa ethos, may kaluluwa ngunit naghahanap
ng katawang sisidlan.
Samantala, ang bathos ay lalim, hindi loob o labas,
Pagkilos papalit, hindi papalayo sa iyo.
Ang huli ay pathos, ang hininga,
ang tumitibok na bahagi.
Buhay na buhay ako kahit matagaltagal ring lango
sa ligaw na pagsuyo ang puso ko.
3 x 4
January 31st, 2016 — General
Jan 28. 2016/ 1st weeksary UP Diliman itinerary
January 31st, 2016 — General
7-8.30am travel to Magallanes/ Baclaran MRT
9am arrival, meet up in Quezon Ave to UP Diliman
9-10am Vargas Museum, BenCab Exhibit
10-11.30am CAL new building library
11.30-1pm lunch at Mang Jimmy’s/ old balara area
1~4pm tambay lang, UP town center
4-5pm tambay pa more sa CAL AVR
5-7.30pm sleepless at UP Film Institute
7.30-9pm dinner at Area B
9-10pm PhilCOA to Alabang bus, South Station