Entries Tagged 'General' ↓
June 26th, 2016 — General
Mindanao nov. 2015
Makailang beses na ako nagpupunta sa Mindanao, madalas magisa, minsan may kasama. Babalik ako uli, pero wala pa ring kasama. Ang pinakahuli kong balik ay noong Nobyembre para dumalo sa ika-40 Pambansang Kumperensya sa Sikolohiyang Pilipino ngunit mas mahalagang rason ay kailangan kong sadyain ang nagpapatakbo ng Mindanao Studies. Lampas kalahati na ako ng mga bahay-saliksikan nais kong puntahan, Mayo 2014 pa lamang ay nagpapadala na ako ng imbitasyon sa mga sentro ng pampook na pag-aaral, kaya naman kailangan kong magdesisyon at isa-isahin ang mga piling sentro nasa labas ng kamaynilaan.
PSSP conference sa kaakuhan
Hindi pa ako nagsisimula pumasok sa postgrad, nagpupunta na ako sa taunang kumperensya ng Sikolohiyang Pilipino. Salitan ang kanilang format sa pagpili ng venue, maliban sa tema, pinipinili ko rin ang mga pinagdarausan. Halimbawa, nang idinaos sa Lyceum of the Philippines sa Batangas, nais ko sana magpunta sa Batangas Heritage at Batangas Studies Center. Gayundin, nang ginanap ito sa sa Naga, gusto kong sadyain ang Greenhouse Infoshop Project. Ang pinakamalayong infoshop sa labas ng NCR maliban sa Cavite, Bulacan at Davao. Aapt na dekada na buhat ang unang kumperensya ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino nang pasimulan ito nina Virgilio Enriquez. Tungkol sa identidad ang tema ng pinakahuling tema ng kumperensya. Kaya naman inuugnay ko ito sa lokal na produksyon ng kaalaman. Kasabay pa ng Asia Pacific Economic Cooperation ang kumperensya, kaya maraming hindi nakadalo at natagalan ang byahe sa eroplano. Isa si Ompong Rodil sa mga susing tagapagsalita. Gayundin si Fr. Bert Alejo. Nag-abot kami ni Sir Ompong pero nakarating si Paring Bert.
Hotel Seda/ Sir Ricky
Pagkababang-pagkababa ko galing sa erport. Natunton ko ang bahay-opisina ng Maharlika Integral Emergence sa Matina, Davao. Paglapag ko ng gamit, nananghalian lang kami ng gulay sa malapit sa Sales Tekanplor na pinagdarausan ng BLTX, hinatid ako nina Chit at Lander sa sakayan papunta sa Mintal. Papunta ako sa UP Mindanao. Hinahanap ko si sir Ricky de Ungria, ang convenor ng Mindanao Studies Consortium Foundation Inc. hinanap ko rin si Raymund Pavo ng Gender and Anti-Sexual Harassment Office. Walang klase si sir Ricky ng araw na nagpunta ako. Kaya sa library na lang ako nagpunta, dumaan ako sa sekretarya niya para hingin ang kanyang #, nabanggit sa akin abala sila sa gaganapaing Literary Festival sa Hotel Seda. Kung gusto ko raw makausap, dumirekta na lang ako at magpakilala. Binigay naman sa akin ang kontak ni Sir Ricky para makapag-abiso ako. Nasa kalagitnanan ng keynote address ni Napoleon Mabaquiao at gail Tan, sumaglit ako sa Abreeza, Davao. Nagkita naman kami at nagkausap tungkol sa MSCFI at inimbitahang sa kanyang panel sa Lit.Fest kinabukasan tungkol sa local writing scene.
Lalang: 6th Philippine International Literary Festival
Kung kailan naman nasa ibang kumperensya ako, kasabay na kasabay naman ang ika-6 na Lit Fest ng ika-40 PSSP na kumperensya. Patapos naman na ang eksena sa Ateneo de Davao, kaya kinabukasan tumakas na ako at inimbitahan ang mga kaibigan sa Maharlika Integral Emergence. Ang sadya ko lang talaga ay ang panel ni Sir Ricky tungkol sa lokal na pagsusulat. Ang format kasi ng Lit Fest ay mayroong moderator na magpapaliwanag ng mga tema at magpapakilala sa tatlong discussant na susubukang sagutin ang mga nilatag na tanong. Si Sir Ricky ang moderator ng panel na “writing in place, creating your space.” Kasama sa panel sina Mia Alvar, Ian Casocot at Kristine Ong Muslim. Interesante ang mga taong na binato ni Sir Ricky, gaano kahalaga ang lugar/ pook sa paggawa at pagpapahalaga sa panitikan? Tinalakay rin ang usapan ng pagsalamin ng panulat sa heograpiya. Gayundin ang paghubog ng lugar sa panitikan at impluwensya nito sa imahe ng mismong pook kung saan nanggagaling ang panulat? Maliban sa panel na ito, nagkita-kita rin kami ng mga dating kaklase at guro sa pamantasan ng Pilipinas at De La Salle. Maraming sabay-sabay na nangyayari. Naimbitahan rin kami dumalo sa writers’ night ng lokal na grupo ng mga manunulat sa Davao.
Organic minds
Mula sa ilang araw ng pagpapabalik-balik at pasikot-sikot sa syudad, bago ako bumalik ay dinalaw rin naming ang infoshop nina Frida at Alter, mga dating kasamahan nila Cha at Lander sa Kinaiyahang Unahon. Nagtayo rin sila ng sariling espasyo at hardin, ang organic minds. Medyo malapit sa unang pinuntahan na lugar ng KU hindi malayo sa erport ng Buhangin. Kagaya ng mga infoshop na napuntahan ko na at natuluyan kagaya ng Greenhouse infsohop project sa Naga at Maharlika Integral Emergence. Makikita mo ang ugnayan nila sa isa’t isa. Parehong may adbokasiya, lugar para pagdausan ng mga ganap at gayundin, ang pinakatampok na bahagi ng infoshop, ang mga aklat, babasahin at iba pang materyal mula sa mga kaibigan. Tumutugma naman sa kanilang ginagawa ang kanilang binabasa. Hindi lamang sila kritikal sa mga pagkain, gamot, musika, paniniwala at impormasyon na galing sa mga korporasyon kagaya ng matatagpuan sa mag korporasyon kagaya ng matatagpiuan sa kanilang mga babasahin at iba pang materyal. Kundi ginagawa na nila ito lahat. Nagtatanim para sa pamamahago, paggawa ng halamang gamot, tugtog at zine, marami pang iba.
June 20th, 2016 — General
Resil Mojares: ika-26 ng Abril 2016
May dala akong tatlong kopya ng apendiks ng proposal ko tungkol sa mga bahay saliksikan. Bilang token sa pagpapaunlak sa akin, binigyan ko sila ng kopya. Nabanggit ni Hope na posible magkaroon ng side-event sa Hulyo kasunod kung hindi man kasabay ng International Conference on Philippine Studies sa Silliman Univeristy. Kinonseptwalisa ni Resil Mojares ang pagtitipun-tipon ng mga nagpapatakbo ng mga studies centers sa bansa. Mukhang malapit ito sa naunang inisyatiba nina Emmanuel Calairo noong 2008. Ang kinalabasan ng Consultative forum/ workshop ay ang pagkakatatag ng Kapisanan ng mga Bahay Saliksikan sa Bansa (KABANSA). Pero simula 2011, naging dormant ito. Marahil, nais ng tagapagtatag na direktor na magkaroon ng aktibidad malapit sa tunguhin ng KABANSA. Napakalalim at malawak ng nalalaman ni Resil. Noong disyembre bumili ako ng kopya ng reader biya. Nakita ko ang nilunsad na aklat nang mas maaga kaysa paglapag ko sa Cebu. Mula sa lokal na kasaysayan, bernakular at rehyunal na panitikan, kwentong bayan, teorya ay maraming masasabi at opinyon ang dating direktor.
Erlinda Alburo: ika-27 ng Abril 2016
Sa unang araw ng Kumperensiya ng KWF at CSC, nilapitan ko si Erlinda Alburo para magpakilala at i-abot ang kpya ng apendiks ng mungkanhing papel ko. Ang sabi niya, hindi niya maiintindihan kung nasa Filipino, sana raw ay nasa Cebuano kung hindi man maaari na rin sa Ingles. Medyo na-alangan ako, sabi ko bago matapos ang kumperensya ay gagawa ako ng talatanungan sa mas kumportable par sa kanyang wika. Napaisip ako kung ano ang gagawin. Una, isasalin ko sa Ingles ang aking talatanungan. Pangalawa, magpapatulong ako sa mga pinsan ko isalin ang mga tanong ko. Pero naisip ko, kung nasa ingles ang talatanngan kaya ko nang isalin as Filipino. Ngunit kung nasa Bisaya, baka hindi na ako matulungan sa pagsasalin ng mga pinan ko ng mga sagot. Nagdesisyon ako na,gawing mas kumbersasyonal na lang at pang-validate na lang ang gagawin kong panayam. Mas spesipiko naman na ang tanong ko sa partikular na naging ambag niya sa pagpapatuloy ng pag-iral ng Cebuano studies. bukas naman siya sa kanyang pagkukwento at pagpapaliwanag ng mga detalye ng kailangan kong malaman.
Hope S. Yu, ika-21 ng Abril 2016
Nasa andergrad pa lamang ako, may pasinasyon na ako sa babaeng palaging humihiram ng mga obskurang mga aklat. Maging mga pinakabagong libro sa faculty browsing, lagi ko nakikita ang pangalan na Hope S. Yu. Mukhang tulad ko, bibliophile rin ang taong ito. Kaya naman pamilyar ako sa pangalan, hindi ko man siya kilala nang personal. Pakiramdam ko marami na kaming pinagsaluhang mga aklat sa ilang semestre sa UP. Pareho pa kaming Kolehiyo, Arte at Literature at hindi magkalayo ang panlasa sa mga pinipiling babasahin. Tsaka ko na lang nalaman, kailangan ko rin siyang makilala para sa ginagawnag pag-aarla sa mga bahay saliksikan. Masayahin naman siya at naglaan ng panahon para sa amin, sa katanuyan nakapagbahagi pa siya ng masasabi tungkol sa ginawa niyang pagdadalumat may kaugnayan sa ginagawa ng aking Miu tungkol sa pagpapasiya ng mga kabaro. Binigyan pa niya kami ng mga kopya ng kanyang libro tungkol sa mga kababaihan. Ang isa ay tungkol sa pagsasantabi at isang hinggll sa pagkukumpara ng mga imahe ng nanay.
Danny Gerona x Inst. of Bikol History and Culture
Kagaya ng palaging sinasbai ng dirketor ng Center for Kapampangan Studies, “serendipity.” Gayon din ang pagakakakilala ko sa dati namang direktor ng Institute for Bikol History and Culture. Nang nakaraang Agosto 2015, sinadya ko rin ag IBHC sa Ateneo de Naga sa Bikol. Nabalitaan o kasi na may inilabas na dyurnal sa Bikol Studies ang AdNU kaya naman nang magkaroon ng Kumperensya sa wika, panitikan at kultural na pag-aaral, hindi ko na pinalamapas. Ngunit nang panahong iyon, wala si Tito Valiente, ang kasalukuyang direktor ng IBHC. Medyo matagal-tagal ko pa bago matunton si Tito Valiente, wala sa AdNU kundi nasa Ateneo de Manila ko siya nakapanayam nang Nobyembre 2015 bago pumunta sa Ateneo de Davao. Hindi ko inaasahang may paglulunsad pala ang pinakahuling libro ni Danilo Gerona tungkol kay Magellan. Sa darating 2021 ay gugunitain ang ika-500 taon ng labanan sa Maktan. Kaya limang taon bago nito, magkakaroon ng kolaborayson ang IBHC at CSC para makapaglabas ng serye ng mga aklat tungkol dito.
June 16th, 2016 — General
Nasa elementary pa lamang ay itunuturo na ang mga awiting bayan hindi lamang sa Tagalog kundi maging sa ibang wika. Kagaya ng Bisaya (pobreng alindahaw at usahay), sa Kapampangan (ati cu pung singsing) at iba pa. Hindi ko man naiintindihan ang mga letra, tumatak pa rin sa akin ang buod nito. Pagkapumupunta ako sa mga museo at art galeri, hindi ko tinatanong sa sarili agad kung ano ang ibig sabihin ng mga materyal? kundi mas nauunang sagutin ang tanong: ano ang nararamadan ko? Ang pakiramdam ko, pagpapapaalala ang mga awiting bayan sampu ng oral na tradisyon upang hindi tayo makalimot sa pinagmulan. Gayundin sa sarili kong pook, palaging kinukwento at palasak na alamat ni Garduke at Mariin. Noong bata pa ako hindi ko alintnana ang ibang kahulugan nito maliban sa pakiramdam na, dahil sa pag-ibig nagkaroon ng islang Marinduque. Tsaka ko na lang napalalim at napagtagni-tagni, may kinalaman ito sa pagkatao natin bagamat iba-iba at maraming bersyon ito.
Nakadalo ako ng inaugural na kumperensta ng Philippine Association for the Study of Culture, History and Religion sa Holy Angel University taong 2012. Naalala ko nasa listahang itinago ko mula sa Cebuano Studies Center ng University of San Carlos ang Center for Kapampangan Studies. Tubong San Fernando, Cebu ang nanay ko bago madestino sa isla ng Marinduque kung saan dayo rin ang tatay ko mula sa San Juan nang bahagi pa ito ng probinsya ng Rizal. Kaya nang minsang magpunta ako, sinadya ko ang Cebuano Studies Center at natagpuan ang executive summary ng consultative forum-workshop na tinaguyod ng Cavite Studies Center ng De La Salle University sa Dasmarinas. Katatapos lang ng ikalimang South and Southeast Asia International Conference on Healing, Religion and Culture, nakilala ko ang convener ng papausbong na PASCHR. Ito ang lokal na sangay ng nag-organisa ng Kumperensyang nabanggit, ang International Association for the Study of Culture, History and Religion. Kaya nakakuha ako ng pagkakataon upang makita ng sariling mata anong meron sa CKS ng Pampanga. Hindi ako nabigo, higit pa sa inaasahan ko ang nasaksihan at naranasan. Natupad pa ang isa sa marami kong pangarap, ang makapunta sa Holy Angel University para mapasok ang Center for Kapampangan Studies.
Lagi ko nakikita sa mga patalastas ang Balloon Fiesta, ilang taon ko na rin pinlano ang pagpunta sa Clark Field, Pampanga para makakita ng daan-daang mga lobong lumilipad. Kaya lang, ayaw ko magpunta mag-isa. Sayang naman kung wala kang kasama para gumawa ng mga bagong alaala sa pinakamalaking pista ng lobong lumilipad. Taong 2016 na nang matuloy ang matagal na balak, tinataon kasi parang UP Fair sa pangalawang linggo ng Pebrero kung kailan papatak ang araw ng mag puso ang Balloon Fiesta. Nagkataon na nasimulan ko na ang ginagawang kong proyekto tungkol sa mga peripheral centers sa arkipelago, kaya sinamantala ko na rin. Natupad ng isa ko pang pangarap, maliban sa pagpunta sa Balloon Fiesta kundi ang magkaroon ng kasama sa pagpunta sa CKS museum. Simula Hulyo 2015, habang binabalot ng puting hamog ang Baguio at na-stranded kami sa hostel pagkatapos ng pambansang Kongreso ng Sanggunian ng Filipino. Na-umpisahan ko na ang pakikipag-ugnayan sa mga nagpapatakbo ng mga local studies center. Una dito ang Cordillera Studies Center ng UP Baguio. Kaya naman nang Setyembre 2015, pababa na ang byahe ko mula sa Pampanga, Cavitte at Bikol. At Bago matapos ang taon, naka-abot na ako sa Davao at nakabalik sa Cebu.
Pagkatapos ng araw ng kumperensya ng PASCHR, sa huling araw ay mayroong immersion at educational tour. Kasama sa itinerary ang komunidad ng mga badjao sa Mabalacat, ang bagong bukas na healing spa sa paanan ng bundok Arayat, ang pribadong museo at sikat na kainan ni Abe Aguilar-Cruz at pook ng mag Rizalista Pampanga. kulang ang maghapon para manamnam ang bawat detalye ng ikatlong araw ng kumperensya. Sinamahan kami ni Isgani Ibarra, ang local artist na pansamanatalang naglaan ng espasyo sa mga badjao mula sa Mindanao. Malawak ang lugar sa tabi ng ilog Pampanga na pinababaw na natuyong abo mula sa pagputok ng bulking Pinatubo lampas isang dekada na ang nakakaraan. Nabigyan sila ng pagkakataon upang ipagpatuloy ang kinagisnang pamumuhay malapit sa katawang tubig, kahit hindi dagat at tila bangkang mga bahay nakatirik sa tubig at lahar. Sa kabila nito, mararamdaman mo, papalayo ka na sa magulong syudad habang lumalapit sa panulukan ni Mariang Sinukuan.
Kung ganito kakumprehensibo ang karanasan sa Pampanga para saa mga dayong tulad ko, hindi na kailangang maubos ang maghapon para maranasan ang kalinangang kapampangan. Sa Angeles, hindi bababa sa tatlo ang museo; maliban sa CKS, mayroon ding Mmuseo ning Angeles at Museo ng Kalinangang Kasaysayan. Nakapalibot lamang ang tatlong museo sa simbahan ng kabisera ng Pampanga. Wala pang 50 metro ang layo, maaaring lakarin, ikutin at libotin ang mga ito gamit lamang ang mga paa. Pagpasok mo pa lamang sa quadrangle kung saan nakalagak ang museo, aklatan/sinupan at produkto ng pananaliksik ng sentro ng pampook na pag-aaral, mahirap hindi ka mapabilib. Kumpleto ang CKS sa mga primarya at sekundaryang batis, maging mga docent at tour guide ay bihasang-bihasa na sa pakikihalobilo sa mga ibang tao kung hindi man sa mag bisita, inaasahan man o hindi.
Hindi mahirap kausap ang may pakana ng CKS, si Dr. Robby Tantingco. Sa kabila ng mahigpit na sched at sala-salabat na mga concurrent na pusisyon/ obligasyon sa pamantasang pribado, nagpaunlak pa rin siya. mahaba, masalimuot at maraming detalye ang kwento ni Dr. Robby, hinding-hindi nakakabagot o nakakabato. Simula sa Batiuan foundation hanggang sa pinakahuling prinodyus na pelikulang Ari. Natahi ni Dr. Robby ang naratibo ng CKS, nag-uumapaw ang kanyang inisyatiba at pagiging buks sa lahat ng posibilidad. Sabi nga niya “serendipitous: ang pagkakatatag ng CKS, sa pakikipag-ugnayan sa dating xsem, kanyang kaklase at matalalik na kabigian ang kanyang counterpart sa Center for Tarlaqueno Studies si Dr. Lino Dizon. Mayaman din sa detalye ang kolaborasyon ng CKS at iba pang bahay saliksikan kagaya ng Cebuano Studies, Bulacan Studies, Cavite Studies at maging Institute for Bikol History and Culture.
June 2nd, 2016 — General
Frozen na politikal na ekonomiya ng arandel
Medyo malayo sa sariling karanasan ko ang istorya tungkol sa nyebe, yelo at taglamig. Ang tanging kuneksyon lang maaari kong maibigay ay tungkol sa pulitikal na ekonomiya at ang mga troll. Pusibleng pilit lang ang ugnayan nabanggit ngunit kahit gaano man kanipis ay pwede pa rin namang mapalalim at mapalawak. Tungkol sa kaharian ng Arandel at pakikipagpalitan nito sa Weselton. Maging ang maliit na negosyo ng yelo ni Kristoff kahit ang hotel na may sauna sa gotna ng kakahuyan. Sa tatlong nabanggit, maaaring mahinuha ang relasyon ng pulitika at ekonomiya. Ang kaharian ng nakikipagkalakal sa ibang kaharian; ang maliit na entrepreneur na may sariling kabuhayan at ang panggitnang uri na negosyo naghahatid ng serbisyo at produkto.
Lucy (in the Sky of Diamonds)
Wala pang 10% ang ginagamit ng tao sa serebral na kapasidad nito. Kagaya ng mga sinaunang tao milyong taon nang nakakalipas. Nagkataon na Lucy ang pangalan ng unang homio erectus na babae. Pero gamit ang sentitik na drograng nagbubukas ng pusibilidad magamit ang 100% ng utak ng tao. Ang kabilang strand ng istorya ay ang pagpuslit ng kulay bughaw na gamut sa apat na hindi magkakakilalang estranghero kasama si Lucy. Nang makatikim siya ng CPH4, nadagdagan ang kapasidad ng kanyang isip. Mula sa pagiging malay sa mga proseso sa loob ng katawan hanggang sa pagkontrol na sa ibang matter. Kaya lang kailangan pa niyang komunsumo ng mas maraming kantidad upang umabot sa sukdulan ang kanyang kamalayan. Sa proseso kailangan protektahan ng nagpsulit ang kanyang puhunan. Habang ang mag neuro-scientist ay abala sa pag-obserba at pagpapaliwanag sa phenomenon ng halos syento pursyentong kapangyarihan ng utak ng tao.
Fury x inglorious basterds ng WW2
Tungkol ikalawang digmaang pandaigdig at sa anim indibidwal na nagpapatakbo ng tangkeng amerikanong binansagang fury. Sabi ni Wardaddy, ang pinuno, payapa ang mga ideya ngunit marahas ang kasaysayan. Interesanteng detalye s aisang pelikulang kaugnay ng digmaan, inglorious basterds, ang ginagampanan ni brad pitt ay nazi killer na si Aldo reyn. Isa siyang amerikanong hudyong apache indian na kinukuha ang anit ng kaaway imbis na pugutan ito. Ang pelikulang pareho tungkol sa dahas at kasaysayan. Maging sa mga ideya na nagbubunsod para mamatay, pumatay at minsan magpakamatay para sa bayan, bansa o nasyon. Batay sa etnisidad kung hindi man relihiyon, ang gait sa mga hudyo sa alemanya. Hindi ipinaliwanag sa fury, ngunit sa basterds na pelikula ay may biswal na pagpapakita ng punto, sabi ng karibal ng apache indian, isang SS nazi Gestapo, “ano gagawin mo pagka nakakita ka ng pestengde daga? Pusibleng magkalat ng sakit kahit isang kalamidad maaaring lumipol sa daigdig. Sabi ni wardaddy, matatapos ang lahat ngunit bago matapos, marami-rami pa ang mamamatay.
May 30th, 2016 — General
Sa kasukalan ng lumbay
Natagpuan ka
Sabay nating hinawan
Lungkot na minsang sa ati’y kumubkob…
At di nakapagtataka Na sa bawat sandaling kausap ka
O kasama kaya
Ay lumuluha ang aking puso
Sa tuwa, sa galak, sa ligaya Lubos na nadarama
Na ang Diyos
Ay Mapagmahal at mapagkalinga…
Dahil sa pagmamahal Na paulit-ulit mong ipinadarama.
Mahal kita Palagi At Paulit-ulit!
May 10th, 2016 — General
Maniniwala ka ba kung sasabihin kong hindi pa rin ako natutulog?
Di pa rin ako makatulog.
Siguro dahil nag-aalala ako para sa bukas.
Na hindi ko batid ang hilatsa ng umaga.
Pero wala naman talagang nakatitiyak
Ng eksaktong magaganap.
Nag-concede na si grace poe.
Kalahati lang ang boto ni mar,
Malayo sa boto para kay du30.
Sana manalo si Leni.
Kahit papaano, naging bahagi rin naman ako ng pagtuturo ng kasaysayan.
Ay labis kong ipagdaramdam
Kung ang amnesia ng taumbayan ay lalabas sa kasalukuyang halalan.
Ayokong magtanim ng galit.
Pwede bang lunurin mo ako sa pagmamahal?
Pwede bang ulit-ulitin mo sa akin
Kung gaano dapat maging positibo sa buhay.
Gusto ko nang tumawa
Katulad ng larawan ng mga matatabang batang ipinadala ko sa iyo kanina.
Ang sabi ko sa iyo dati,
Wala naman rumerenda sa akin.
Ako ang nagpapasiya para sa sarili.
Pwede bang makiusap?
Tulungan mo ako, gabayan.
Sa kung paano tutunawin ng pagmamahal ang galit at poot na lumulukob sa katawan.
Ibig kong maging mapagmahal…
April 26th, 2016 — General
Sa Crown Legacy hotel Walang aircon Bago matulog
Kaytagal kong hinintay ang ganitong mga sandali Akala ko’y di na darating Ang tulad mong magmamahal sa akin Ngunit totoo ka at ang iyong pagmamahal
Ibig kong humingi ng paumanhin Kung sa iyo man ay nainis Kung minsan kasi Lalo nat kapag gumagani Napapansin kong tulad ng roletang Matatapos na sa pag ikot Ay bumabagal din ang iyong pagpoproseso At ako’y nalulungkot Hindi tayo magtagpo.
Ngunit mahal Kapag natatapos ang bawat sandali ng paghinagpis Ng pagkainis sa mga bagay na maaari sanang maintindihan Kung nagkataong malinaw ang linya ng telepono O ang pagbigkas ng mga salita O kung bukas ang isip at nakikinig, Kata’y hinahanap Sa iyo’y nasasabik
Mahal kita At paumanhin kung may nasabi mang sa iyo’y nakasakit Mahal kita palagi Mahal kita nang paulit-ulit.
April 19th, 2016 — General
Cebu itinerary april 20-25, 2016
Miu x Sumire
April 20 manila to cebu: mamateri, verbena pension
April 21 university of san carlos x Kenneth Cobonpue
April 22 dr. hope yu, USC talamban campus
April 23 santander beach, overnight
April 24 carcar, Valladolid/ sta.filomena, sangat, san fernando
April 25 cebu to manila, pambansang kumperensya sa wika at panitikang sebwano
Cebu itinerary april 25-29, 2016
Sumire
April 25 USC x KWF Conference
April 26 Dr. Resil Mojares interview
April 27 Dr. Erlinda Alburo interview, 495 battle of mactan
April 28 manang teri birthday, kaplag 450 sto. Nino discovery
April 29 recuperate, cebu to manila
April 18th, 2016 — General
Maniwala tayo sa ating mga sarili.
Hawakan ang kamay ng bawat isa.
Damhin pagsasabi at talaban
Ng tiwala at pag-asam
Makakaya nating lagpasan ang lahat gaya ng iyong tinuran.
Kahangalan bang mangarap na sabay tayong aakyat sa entablado?
Kahit alam nating may mga estrangherong tumutuya
sa mga naisulat nating teksto? Babalutin ba ng pangamba ang mga susunod na buwan? Magpapang-abot ba tayo?
Hindi ako hangal, mahal ko.
Sapagkat noon pa man, sa simula nang tumango ako sa relasyong ito
Kailanma’y di ako nagduda o nalito sa kakayahan mo
Hinahamon lang nila tayo
May mga estrangherang hindi mawawaan kung paanong ang tagumpay natin sa pagkadoktorado ay tagumpay din kapwa ng ating mga puso.
Sabay tayong magtatapos sa Oktubre ng taong ito.
Lubos akong nagtitiwala sa kakayahan at iyong talino.
Maaaring ako ang una mong kritiko.
Subalit ako rin ang iyong unang kasangga, kapanalig, tagapayo.
Tulad ng disertasyon na may saklaw at limitasyon
Natutuwa akong sabay tayong lumalago habang iginagalang ang ating mga kaibahan at indibidwalidad.
Mahal kita palagi. Kaya natin ito.
(Isinulat sa loob ng tricycle. Mula sa dating Mcdo hanggang sa Letran)
April 14th, 2016 — General
Nakabatay ngunit hindi limitado sa PMK at BDPP, halaw sa mga pangunahing tauhang babae sa mga nobela ng GEL 3 power ang sipat ng kabaro. Maaaring ilapat sa pang-araw-araw na danas at buhay ang mga tabas ng dilemma at disenyo ng pagpapasya. Depende ang mga disenyo ng pagpapasyang KABARO: nagsisimula sa pagkalito, hanggang mapunta sa pagiging lutang at maaaring dumulo sa paglilimi. Nakasalalay ang proseso ang proseso ng pagpapasiya sa pangkaraniwan at partikular na dilemma kagaya ng birhen/ puta, marabini, babaylan at martir/ magiting. Para sa mga babae at lalaking bata pa at walang histong gulang, pangkasarian at pangpamilya pa lamang ang dilemma. Samantla habang nagkaka-edad, lumalawak at lumalalim ang dilemma, mula sa indibidwal kundi maaaring pangkolektibo maging panlipunan.