Entries Tagged 'General' ↓

Salamat kay Lord para sa taong 2016! 

Manigong bagong taon sa ating lahat! ????????????????

“THAT THING CALLED HAKBANG PAPALAPIT SA IYO”

Nakaguhit nga ba ang kapalaran? Ang tadhana?

Sabi nila, mayroon daw tatlong bersiyon ang mga love story. ????‍❤️‍???? Yung una, iiwanan ka matapos sabihin sa iyong “kaya mo na ‘yan!” ????Ang ikalawa, ‘yung mangangako sa iyo ng “Let me protect your heart.” ????At ang huli, ang hahawak sa kamay mo at aamining minsan na rin siyang nasaktan at natakot sa relasyon pero sasabihing maaaring sabay kayong muling magmahal.????

Kapag nakarinig ka na ng sangkatutak na pangako, kapag marami ka nang ulit umasa at nabigo… ????????Ang bawat sandali ng kilig ay silbato sa damdamin, pagbusog sa imahinasyon, at pagpayapa sa naguguluhang diwa. ????

Sa mga love story, posibleng pasikot-sikot ang mga daan. Madawag at maaari kang maligaw. ????????????

Ngunit ang pag-ibig ay isang natatanging karanasan na magpapaalala sa atin kung gaano kasarap mabuhay, mangarap, managinip, at gumising. Ang pagtibok ng ating puso ay pagsakay sa alapaap, pagsamyo sa sariwang hangin, paglipad sa kaligayahan, pagtalikda sa mga agam-agam, at pagtitiwala na mayroong nilalang na sa iyo’y nakalaan.????????

Naiguguhit at naitatakda ang kapalaran. Pero naniniwala akong hawak natin ang kapalaran at tadhanang ito. Kaya maaari nating dalhin saanman natin naisin.????????????

Ano ang aking tadhana? Ano ang bersiyon ng aking love story? ☺️????

Ito ang simula ng aking forever … That thing called Hakbang papalapit sa iyo! ????

dlsu, cebu, pampanga, marinduque at las pinas

mula kay miu para kay sumire

Irog,

Ogenki desuka. Musta na? Iyan ang una mong mga salita sa akin. At natutuwa ako na ang pangungumusta
mong iyan ay humantong sa araw na ito.

Sa wakas, nakarating din tayo dito. Isang buwan bago ang isang taon ng ating anibersaryo. Sabi mo nga, mabuti at ginamit ni Kupido ang palaso ng berdeng arkero upang papaghugpungin ang ating mga puso.

Workaholic lang ang tingin ng marami sa akin. Iniisip nilang wala akong panahon sa lovelife. Kaya hindi ako makakapag-asawa.

Pero…
Matagal ko nang pinaghandaan ang araw na ito.
Dahil habang nauuna nang mag-asawa at magkaanak ang aking mga dating estudyante, maraming beses ko nang inimadyin kung paano sasabihin kay Sir Vim na kukunin ko siyang Ninong, maraming termino ko nang tinawag na Ninong si Sir Yum at taon na ang binibilang ko nang simulan kong tawaging Ninang si Ate Tere.

Habang nagpapabinyag ang aking mga kakilala ay nangungumbida na ako ng aking mga kaibigan upang maging abay.

Samantalang nagpapaaral na ng mga anak ang aking batchmates, nag-o-ocular na ako ng simbahan kung saan pwedeng magpakasal.

May kulang nga lang… Walang groom… Nakarating pa ako sa Amerika para subukan ang aking tyansa na makilala kung sino siya.

Hanggang sa dumating ka…

Sa wakas, sa kauna-unahang pagkakataon,
Nakatagpo ako ng taong makakasama kong kumatha at tumula.
Magdiskurso ng mga teorya o magbasa ng mga nobela.
Pumunta sa mga museo at manood ng mga pelikula.
Mag-aral ng kasaysayan, wika at kultura.
Hindi lang kita kabertdey kundi ngayo’y kasalo, katuwang, kabiyak… Sa mata ng Diyos at ng tao.
Ikaw ang aking Sherlock, Dr. Strange, Professor Xavier at Haruki.

Sa lahat ng puyat at luha, mahal kita.
Sa lahat ng pagod at saya, mahal kita.
At sa araw na ito, mas mahal kita kaysa kahapon at mamahalin pa sa bawat habampanahon.

Aishiteru!

mga pirata ng himpapawid sa gabing madilim

 Linggo ngayon, araw ng pahinga. Sunday pirate broadcast ng Radyo Itim. Hindi na naman kumpleto ang tatlong DJ, hindi nagkakasabay sina Zero, Memory at Sei Tan. Walang nakahandang programa si Zero, pero dahil sa pagsabog kagabi. May naisip si Sei Tan, may niluluto na sina Memory na zine, mga pinagsama-samang sulatin, drowing at opinyon tungkol sa puspusang gyera kontra droga. Paradoksikal ang mga papayan sa balita, araw-araw habang umuusad ang usaping pangkapayapaan sa ibayong dagat. Ayon kay Sei Tan, may nakitang sung na diary sa pagsabog. Nakasaad sa mga pahina nito ang tangkang destablisasyon. Uhat pa sa panahon ng kasagsagan ng D Death Squad, ang diary na natagpuan sa gilid ng motorsiklong nakatumba. Hindi pa nakikilala ang grupong umaako sa pagbomba. Pero may kutob si Zero na may kinalaman ito sa digmaan laban sa bawal na gamot. Naalala ni Memory ang imahe ng madreng lumuluha, ang kapatid niya ay nagpagkamalaang nagtutulak. Nagkamali ang DDS sa kanilang target. Kapatid ni Memory ang madre, si Memory ang iniiyakan nito. Siya ang napagkamalan ng DDS. Si Memory ang multo ng nakalipas, sa kanya ang sunog na diary. Siya ang nagplano, nagbuo at nagtanim ng bomba para lipulin ang mga myembro ng DDS. Sa hudyat ng torotot na gawa sa film reel, tinapos ni Memory ang gyera harang gumagaralgal sa speaker ang Radyo Itim.

bago matapos ang setyembre

GE DIGITAL CAMERA

new online radio /webcast platform

GE DIGITAL CAMERA

murch’s rule of six

GE DIGITAL CAMERA

radio institutions lecture

GE DIGITAL CAMERA

PCRC 2016 @ UP CMC Sept 27-30,2016

GE DIGITAL CAMERA

new normal

GE DIGITAL CAMERA

re/framing migration

GE DIGITAL CAMERA

selfie/photobombing the VP

GE DIGITAL CAMERA

media mapping

GE DIGITAL CAMERA

plenary session @ Comm. Research 

GE DIGITAL CAMERA

1st plenary session @CRIC UP Film Institute Sept 22-23, 2016

GE DIGITAL CAMERA

Communication Research International Conference 2016

Asian Center for Journalism Certificate Courses

Trends in Visual Journalism: Space and Place Stories

October 2 – October 16, 2016

the-language-of-space-and-place-1

Week 1

October 2, 5PM Manila time via Slack on channel #lecture1

Introduce yourself by stating your name, profession, and a narrative of home. Where is home?

What is its name? Why is it home? Who else calls it home? Attach a photo of yourself inside your home.

Topic:

What is space? What is place? How can journalists use the language of geography? How is space and place used in global journalistic practices?

October 5: Each student will propose one topic with short descriptions and sample images for their visual narratives. Smaller groups will be made to facilitate better information exchange. Mental maps should also be submitted with the proposed area of study.

Week 2:

October 9, learning materials will be uploaded on Slack. Digest on your own time. Guide questions will be provided.

Week 3:

October 16, 5PM Manila time via Slack on channel #lecture2

Individual feedback will be done from October 16-23, 2016

8 infinity

Setyembre 21, 2016

Written Word ni Miu

Walong buwan na tayo

Apat na buwan bago bago ang isang taon

Tatlong buwan tungo sa forevermore.

Tingnan monkung puwede mo itong puntahan8inifinite8inifinite

Salamat RanDJ Padilla! Mahal kita palagi!

“Mahal kita dahil mahal kita, hindi dahil mahal mo ako. Happy monthsary kahit anibersaryo ng Martial Law. Mahal kita lagi-lagi!”

????Kathryn BernarDee

 

mula london gang barcelona

Written Word ni Miu

September 18, 2016

Kumusta na?

Tanong ng puso

Naaalala mo pa ba ang dating sagot sa tanong kung ano ang nangyayari kapag alas-dose na?

Nagiging kalabasa ka na.

Buong gabi akong umiyak

Maghapong pugto ang mata

Binabalikan ang mga naging pag-uusap

Isip at damdmai kinakapa

Kumusta na tayo?

Anong lagay ng puso?

Kakampi mo akonlagi mong sinasabi

Parati na lamang akong nahahabag sa sarili

At kanina nang mag-text ka

Tulad ng dasal ko sa Lumikha

Na gabayan tayo

Ikaw at ako sa mga hakbang ng ating puso.

Mas marunong nga marahil si Miu kapag nagsusulat. Nailalabas ang mga  anas ng puso.

Nalilinaw ang mga nais turan

Ibig ko sanang personal kang puntahan

Nais kong humingi ng kapatawaran

Sa mga matalas na salitang sumugat

Tumusok sa puso mong luhaan

Na hindi ko nakikita, mahal.

Muli akong tinalo ng takot

Ng lungkot

Ng alalahanin…

Paumanhin, Sumire ko

Tulad mo’y sumasambulat din ang pagkabahala

Ayokong pumunta sa bukas nang wala ka

Hindi ko matanaw ang kasunod na umaga nang di ka kasama.

Kumusta na?

Tanong ng puso

Nababasag ba ang pag-ibig?

Nadudurog ba ang pagmamahal?

Hindi.

Nasasaktan lang tayo kapwa.

Ngunit pagkatuto rin ang kapara.

Kaya tulad ng linya sa isang pamosong kanta:

“I wanna grow old with you! ” pastedGraphic.png????pastedGraphic.png????pastedGraphic.png????

Mahal na mahal kita.

Palagi at paulit-ulit! pastedGraphic.png????

Mahal kita dahil mahal kita pastedGraphic.png????pastedGraphic.png????pastedGraphic.png????

Salamat sa pagmamahal

Salamat sa pagiging ikaw

Salamat sa pagiging kabertdey ko

Salamat sa pagiging Sumire ng aking puso.

Written word ni Miu

13898327_10209707898275090_266818560_o 13931595_10209707897155062_1647986101_o

Agosto 3, 2016

Nami-miss kita sa bawat araw na dumaraan
Ang makapiling ka’y lubos kong pinanamabikan
May mga sandaling nilulukob ako ng lumbay
Hinahanap ang sarili, tinatanong kung kaya bang sa iyo’y mawalay.

Mahal kita.

Walang kabuluhan ang ikalawang salita
Kung di ka kasama

Salamat sa iyong pag-aalaga
Sa mga salita mo at gawa
Ikaw ang sa aki’y himala at pagpapala…

Mahal kita
Palagi
Paulit-ulit.

13681866_10209707895875030_1922220689_o 13902090_10209707895195013_1237007343_o 13902081_10209707894354992_232159312_o

autonomous mindanawon

Mindanawon Initiatives for Cultural Dialogue

Buhat sa buhos ng tulong para sa kaunlaran ng Mindnanao, dumami ang mga NGO mayroong kaparehong gawain at interes. Ang Mindanawon ay nagsimulang NGO mula sa komisyong pananaliksik at forum para sa kahirapan at sakuna ni Fr. Bert Alejo. Mula sa kanyang malawak at malalim na karanasan sa Mt. Apo at pag-aaral sa SOAS, London. Nabuo ang konsepto ng “cultural regeneration”. Tumaliwas ang tuon ng Mindanawon mula sa “tri-peole” tungo sa lumad. Sa paliwanag ni Fr. Bert, palaging agrabyado at hindi pantay ang mga moro, kristyano at lumad. Ang inisyatiba ng Mindanawon ay hindi para mapreserba ang IKSP ng mga katutubo kundi tulungan sila mapalabas ang kanilang diskurso. Ang Mindanawon ay nagsisilbing malayang espasyo. Para sa pag-uusap at makapaglahad ng kabilang pananaw at maresolba ang mga tunggalian sa kanilang konteksto. Ang Mindanawon ay naging bahagi ng Hesuitang, Katoliko at Filipinong pamantasang Ateneo. Ayon kay Perpi Tio, malaya ang bawat sentro ngunit responsable ang bawat isa sa pamantasan.

infografx_sample1-01

Autonomous spaces and infoshop conference

Unang araw ng pagtitipun-tipon, nagkaroon ng pambungad na ritwal si Bong para hingin ang gabay ng mga ninuno at umusbong ang bagong pagkilos. Ang kasunod na bahagi ay paglalatag ng mga proseso ng open space technology para sa dalawang araw at kalahati. Pagkatapos, imbis na maglahad ng bawat isang kalahok mula sa mga nagsasariling espasyo ay idinaan sa appreciative inquiry. Sa tulong ni Rei at Bryan ng Balay Tuklasan Likhaan, naging masaya at maluwag ang pagbabahagihan ng bawat isa mula sa kanya-kanyang infoshop. Nagkaroon din ng mga mas pormal na paglalahad gamit ang PPT. Nagbigay ng mga depinisyon at halimbawa si Alter ng Organic Minds tungkol sa social spaces at inugat ang pagkakaroon ng mga infoshop. Gayundin, malalim ang talakay ng maharlika integral emergence. Sa humigit kumulang na 10 inuto, ikunwento nina Cha at Lander ang ebolusyon ng KU tungo sa MIE. Hanggang gabi ay nagkaroon ng malayang pagbabahagihan. Kahit may programa, naging maluwag sa pagkakasunod-sunod ang mga pagpapadaloy at paglalahad.