Manigong bagong taon sa ating lahat! ????????????????
“THAT THING CALLED HAKBANG PAPALAPIT SA IYO”
Nakaguhit nga ba ang kapalaran? Ang tadhana?
Sabi nila, mayroon daw tatlong bersiyon ang mga love story. ????❤️???? Yung una, iiwanan ka matapos sabihin sa iyong “kaya mo na ‘yan!” ????Ang ikalawa, ‘yung mangangako sa iyo ng “Let me protect your heart.” ????At ang huli, ang hahawak sa kamay mo at aamining minsan na rin siyang nasaktan at natakot sa relasyon pero sasabihing maaaring sabay kayong muling magmahal.????
Kapag nakarinig ka na ng sangkatutak na pangako, kapag marami ka nang ulit umasa at nabigo… ????????Ang bawat sandali ng kilig ay silbato sa damdamin, pagbusog sa imahinasyon, at pagpayapa sa naguguluhang diwa. ????
Sa mga love story, posibleng pasikot-sikot ang mga daan. Madawag at maaari kang maligaw. ????????????
Ngunit ang pag-ibig ay isang natatanging karanasan na magpapaalala sa atin kung gaano kasarap mabuhay, mangarap, managinip, at gumising. Ang pagtibok ng ating puso ay pagsakay sa alapaap, pagsamyo sa sariwang hangin, paglipad sa kaligayahan, pagtalikda sa mga agam-agam, at pagtitiwala na mayroong nilalang na sa iyo’y nakalaan.????????
Naiguguhit at naitatakda ang kapalaran. Pero naniniwala akong hawak natin ang kapalaran at tadhanang ito. Kaya maaari nating dalhin saanman natin naisin.????????????
Ano ang aking tadhana? Ano ang bersiyon ng aking love story? ☺️????
Ito ang simula ng aking forever … That thing called Hakbang papalapit sa iyo! ????