mga pirata ng himpapawid sa gabing madilim

 Linggo ngayon, araw ng pahinga. Sunday pirate broadcast ng Radyo Itim. Hindi na naman kumpleto ang tatlong DJ, hindi nagkakasabay sina Zero, Memory at Sei Tan. Walang nakahandang programa si Zero, pero dahil sa pagsabog kagabi. May naisip si Sei Tan, may niluluto na sina Memory na zine, mga pinagsama-samang sulatin, drowing at opinyon tungkol sa puspusang gyera kontra droga. Paradoksikal ang mga papayan sa balita, araw-araw habang umuusad ang usaping pangkapayapaan sa ibayong dagat. Ayon kay Sei Tan, may nakitang sung na diary sa pagsabog. Nakasaad sa mga pahina nito ang tangkang destablisasyon. Uhat pa sa panahon ng kasagsagan ng D Death Squad, ang diary na natagpuan sa gilid ng motorsiklong nakatumba. Hindi pa nakikilala ang grupong umaako sa pagbomba. Pero may kutob si Zero na may kinalaman ito sa digmaan laban sa bawal na gamot. Naalala ni Memory ang imahe ng madreng lumuluha, ang kapatid niya ay nagpagkamalaang nagtutulak. Nagkamali ang DDS sa kanilang target. Kapatid ni Memory ang madre, si Memory ang iniiyakan nito. Siya ang napagkamalan ng DDS. Si Memory ang multo ng nakalipas, sa kanya ang sunog na diary. Siya ang nagplano, nagbuo at nagtanim ng bomba para lipulin ang mga myembro ng DDS. Sa hudyat ng torotot na gawa sa film reel, tinapos ni Memory ang gyera harang gumagaralgal sa speaker ang Radyo Itim.