Written Word ni Miu
September 18, 2016
Kumusta na?
Tanong ng puso
Naaalala mo pa ba ang dating sagot sa tanong kung ano ang nangyayari kapag alas-dose na?
Nagiging kalabasa ka na.
Buong gabi akong umiyak
Maghapong pugto ang mata
Binabalikan ang mga naging pag-uusap
Isip at damdmai kinakapa
Kumusta na tayo?
Anong lagay ng puso?
Kakampi mo akonlagi mong sinasabi
Parati na lamang akong nahahabag sa sarili
At kanina nang mag-text ka
Tulad ng dasal ko sa Lumikha
Na gabayan tayo
Ikaw at ako sa mga hakbang ng ating puso.
Mas marunong nga marahil si Miu kapag nagsusulat. Nailalabas ang mga anas ng puso.
Nalilinaw ang mga nais turan
Ibig ko sanang personal kang puntahan
Nais kong humingi ng kapatawaran
Sa mga matalas na salitang sumugat
Tumusok sa puso mong luhaan
Na hindi ko nakikita, mahal.
Muli akong tinalo ng takot
Ng lungkot
Ng alalahanin…
Paumanhin, Sumire ko
Tulad mo’y sumasambulat din ang pagkabahala
Ayokong pumunta sa bukas nang wala ka
Hindi ko matanaw ang kasunod na umaga nang di ka kasama.
Kumusta na?
Tanong ng puso
Nababasag ba ang pag-ibig?
Nadudurog ba ang pagmamahal?
Hindi.
Nasasaktan lang tayo kapwa.
Ngunit pagkatuto rin ang kapara.
Kaya tulad ng linya sa isang pamosong kanta:
“I wanna grow old with you! ” ????????????
Mahal na mahal kita.
Palagi at paulit-ulit! ????
Mahal kita dahil mahal kita ????????????
Salamat sa pagmamahal
Salamat sa pagiging ikaw
Salamat sa pagiging kabertdey ko
Salamat sa pagiging Sumire ng aking puso.