Mindanawon Initiatives for Cultural Dialogue
Buhat sa buhos ng tulong para sa kaunlaran ng Mindnanao, dumami ang mga NGO mayroong kaparehong gawain at interes. Ang Mindanawon ay nagsimulang NGO mula sa komisyong pananaliksik at forum para sa kahirapan at sakuna ni Fr. Bert Alejo. Mula sa kanyang malawak at malalim na karanasan sa Mt. Apo at pag-aaral sa SOAS, London. Nabuo ang konsepto ng “cultural regeneration”. Tumaliwas ang tuon ng Mindanawon mula sa “tri-peole” tungo sa lumad. Sa paliwanag ni Fr. Bert, palaging agrabyado at hindi pantay ang mga moro, kristyano at lumad. Ang inisyatiba ng Mindanawon ay hindi para mapreserba ang IKSP ng mga katutubo kundi tulungan sila mapalabas ang kanilang diskurso. Ang Mindanawon ay nagsisilbing malayang espasyo. Para sa pag-uusap at makapaglahad ng kabilang pananaw at maresolba ang mga tunggalian sa kanilang konteksto. Ang Mindanawon ay naging bahagi ng Hesuitang, Katoliko at Filipinong pamantasang Ateneo. Ayon kay Perpi Tio, malaya ang bawat sentro ngunit responsable ang bawat isa sa pamantasan.
Autonomous spaces and infoshop conference
Unang araw ng pagtitipun-tipon, nagkaroon ng pambungad na ritwal si Bong para hingin ang gabay ng mga ninuno at umusbong ang bagong pagkilos. Ang kasunod na bahagi ay paglalatag ng mga proseso ng open space technology para sa dalawang araw at kalahati. Pagkatapos, imbis na maglahad ng bawat isang kalahok mula sa mga nagsasariling espasyo ay idinaan sa appreciative inquiry. Sa tulong ni Rei at Bryan ng Balay Tuklasan Likhaan, naging masaya at maluwag ang pagbabahagihan ng bawat isa mula sa kanya-kanyang infoshop. Nagkaroon din ng mga mas pormal na paglalahad gamit ang PPT. Nagbigay ng mga depinisyon at halimbawa si Alter ng Organic Minds tungkol sa social spaces at inugat ang pagkakaroon ng mga infoshop. Gayundin, malalim ang talakay ng maharlika integral emergence. Sa humigit kumulang na 10 inuto, ikunwento nina Cha at Lander ang ebolusyon ng KU tungo sa MIE. Hanggang gabi ay nagkaroon ng malayang pagbabahagihan. Kahit may programa, naging maluwag sa pagkakasunod-sunod ang mga pagpapadaloy at paglalahad.