mindanawon studies

Mindanao nov. 2015

Makailang beses na ako nagpupunta sa Mindanao, madalas magisa, minsan may kasama. Babalik ako uli, pero wala pa ring kasama. Ang pinakahuli kong balik ay noong Nobyembre para dumalo sa ika-40 Pambansang Kumperensya sa Sikolohiyang Pilipino ngunit mas mahalagang rason ay kailangan kong sadyain ang nagpapatakbo ng Mindanao Studies. Lampas kalahati na ako ng mga bahay-saliksikan nais kong puntahan, Mayo 2014 pa lamang ay nagpapadala na ako ng imbitasyon sa mga sentro ng pampook na pag-aaral, kaya naman kailangan kong magdesisyon at isa-isahin ang mga piling sentro nasa labas ng kamaynilaan.

 

PSSP conference sa kaakuhan

Hindi pa ako nagsisimula pumasok sa postgrad, nagpupunta na ako sa taunang kumperensya ng Sikolohiyang Pilipino. Salitan ang kanilang format sa pagpili ng venue, maliban sa tema, pinipinili ko rin ang mga pinagdarausan. Halimbawa, nang idinaos sa Lyceum of the Philippines sa Batangas, nais ko sana magpunta sa Batangas Heritage at Batangas Studies Center. Gayundin, nang ginanap ito sa sa Naga, gusto kong sadyain ang Greenhouse Infoshop Project. Ang pinakamalayong infoshop sa labas ng NCR maliban sa Cavite, Bulacan at Davao. Aapt na dekada na buhat ang unang kumperensya ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino nang pasimulan ito nina Virgilio Enriquez. Tungkol sa identidad ang tema ng pinakahuling tema ng kumperensya. Kaya naman inuugnay ko ito sa lokal na produksyon ng kaalaman. Kasabay pa ng Asia Pacific Economic Cooperation ang kumperensya, kaya maraming hindi nakadalo at natagalan ang byahe sa eroplano. Isa si Ompong Rodil sa mga susing tagapagsalita. Gayundin si Fr. Bert Alejo. Nag-abot kami ni Sir Ompong pero nakarating si Paring Bert.

 

Hotel Seda/ Sir Ricky

Pagkababang-pagkababa ko galing sa erport. Natunton ko ang bahay-opisina ng Maharlika Integral Emergence sa Matina, Davao. Paglapag ko ng gamit, nananghalian lang kami ng gulay sa malapit sa Sales Tekanplor na pinagdarausan ng BLTX, hinatid ako nina Chit at Lander sa sakayan papunta sa Mintal. Papunta ako sa UP Mindanao. Hinahanap ko si sir Ricky de Ungria, ang convenor ng Mindanao Studies Consortium Foundation Inc. hinanap ko rin si Raymund Pavo ng Gender and Anti-Sexual Harassment Office. Walang klase si sir Ricky ng araw na nagpunta ako. Kaya sa library na lang ako nagpunta, dumaan ako sa sekretarya niya para hingin ang kanyang #, nabanggit sa akin abala sila sa gaganapaing Literary Festival sa Hotel Seda. Kung gusto ko raw makausap, dumirekta na lang ako at magpakilala. Binigay naman sa akin ang kontak ni Sir Ricky para makapag-abiso ako. Nasa kalagitnanan ng keynote address ni Napoleon Mabaquiao at gail Tan, sumaglit ako sa Abreeza, Davao. Nagkita naman kami at nagkausap tungkol sa MSCFI at inimbitahang sa kanyang panel sa Lit.Fest kinabukasan tungkol sa local writing scene.

 

Lalang: 6th Philippine International Literary Festival

Kung kailan naman nasa ibang kumperensya ako, kasabay na kasabay naman ang ika-6 na Lit Fest ng ika-40 PSSP na kumperensya. Patapos naman na ang eksena sa Ateneo de Davao, kaya kinabukasan tumakas na ako at inimbitahan ang mga kaibigan sa Maharlika Integral Emergence. Ang sadya ko lang talaga ay ang panel ni Sir Ricky tungkol sa lokal na pagsusulat. Ang format kasi ng Lit Fest ay mayroong moderator na magpapaliwanag ng mga tema at magpapakilala sa tatlong discussant na susubukang sagutin ang mga nilatag na tanong. Si Sir Ricky ang moderator ng panel na “writing in place, creating your space.” Kasama sa panel sina Mia Alvar, Ian Casocot at Kristine Ong Muslim. Interesante ang mga taong na binato ni Sir Ricky, gaano kahalaga ang lugar/ pook sa paggawa at pagpapahalaga sa panitikan? Tinalakay rin ang usapan ng pagsalamin ng panulat sa heograpiya. Gayundin ang paghubog ng lugar sa panitikan at impluwensya nito sa imahe ng mismong pook kung saan nanggagaling ang panulat? Maliban sa panel na ito, nagkita-kita rin kami ng mga dating kaklase at guro sa pamantasan ng Pilipinas at De La Salle. Maraming sabay-sabay na nangyayari. Naimbitahan rin kami dumalo sa writers’ night ng lokal na grupo ng mga manunulat sa Davao.

 

Organic minds

Mula sa ilang araw ng pagpapabalik-balik at pasikot-sikot sa syudad, bago ako bumalik ay dinalaw rin naming ang infoshop nina Frida at Alter, mga dating kasamahan nila Cha at Lander sa Kinaiyahang Unahon. Nagtayo rin sila ng sariling espasyo at hardin, ang organic minds. Medyo malapit sa unang pinuntahan na lugar ng KU hindi malayo sa erport ng Buhangin. Kagaya ng mga infoshop na napuntahan ko na at natuluyan kagaya ng Greenhouse infsohop project sa Naga at Maharlika Integral Emergence. Makikita mo ang ugnayan nila sa isa’t isa. Parehong may adbokasiya, lugar para pagdausan ng mga ganap at gayundin, ang pinakatampok na bahagi ng infoshop, ang mga aklat, babasahin at iba pang materyal mula sa mga kaibigan. Tumutugma naman sa kanilang ginagawa ang kanilang binabasa. Hindi lamang sila kritikal sa mga pagkain, gamot, musika, paniniwala at impormasyon na galing sa mga korporasyon kagaya ng matatagpuan sa mag korporasyon kagaya ng matatagpiuan sa kanilang mga babasahin at iba pang materyal. Kundi ginagawa na nila ito lahat. Nagtatanim para sa pamamahago, paggawa ng halamang gamot, tugtog at zine, marami pang iba.