Frozen na politikal na ekonomiya ng arandel
Medyo malayo sa sariling karanasan ko ang istorya tungkol sa nyebe, yelo at taglamig. Ang tanging kuneksyon lang maaari kong maibigay ay tungkol sa pulitikal na ekonomiya at ang mga troll. Pusibleng pilit lang ang ugnayan nabanggit ngunit kahit gaano man kanipis ay pwede pa rin namang mapalalim at mapalawak. Tungkol sa kaharian ng Arandel at pakikipagpalitan nito sa Weselton. Maging ang maliit na negosyo ng yelo ni Kristoff kahit ang hotel na may sauna sa gotna ng kakahuyan. Sa tatlong nabanggit, maaaring mahinuha ang relasyon ng pulitika at ekonomiya. Ang kaharian ng nakikipagkalakal sa ibang kaharian; ang maliit na entrepreneur na may sariling kabuhayan at ang panggitnang uri na negosyo naghahatid ng serbisyo at produkto.
Lucy (in the Sky of Diamonds)
Wala pang 10% ang ginagamit ng tao sa serebral na kapasidad nito. Kagaya ng mga sinaunang tao milyong taon nang nakakalipas. Nagkataon na Lucy ang pangalan ng unang homio erectus na babae. Pero gamit ang sentitik na drograng nagbubukas ng pusibilidad magamit ang 100% ng utak ng tao. Ang kabilang strand ng istorya ay ang pagpuslit ng kulay bughaw na gamut sa apat na hindi magkakakilalang estranghero kasama si Lucy. Nang makatikim siya ng CPH4, nadagdagan ang kapasidad ng kanyang isip. Mula sa pagiging malay sa mga proseso sa loob ng katawan hanggang sa pagkontrol na sa ibang matter. Kaya lang kailangan pa niyang komunsumo ng mas maraming kantidad upang umabot sa sukdulan ang kanyang kamalayan. Sa proseso kailangan protektahan ng nagpsulit ang kanyang puhunan. Habang ang mag neuro-scientist ay abala sa pag-obserba at pagpapaliwanag sa phenomenon ng halos syento pursyentong kapangyarihan ng utak ng tao.
Fury x inglorious basterds ng WW2
Tungkol ikalawang digmaang pandaigdig at sa anim indibidwal na nagpapatakbo ng tangkeng amerikanong binansagang fury. Sabi ni Wardaddy, ang pinuno, payapa ang mga ideya ngunit marahas ang kasaysayan. Interesanteng detalye s aisang pelikulang kaugnay ng digmaan, inglorious basterds, ang ginagampanan ni brad pitt ay nazi killer na si Aldo reyn. Isa siyang amerikanong hudyong apache indian na kinukuha ang anit ng kaaway imbis na pugutan ito. Ang pelikulang pareho tungkol sa dahas at kasaysayan. Maging sa mga ideya na nagbubunsod para mamatay, pumatay at minsan magpakamatay para sa bayan, bansa o nasyon. Batay sa etnisidad kung hindi man relihiyon, ang gait sa mga hudyo sa alemanya. Hindi ipinaliwanag sa fury, ngunit sa basterds na pelikula ay may biswal na pagpapakita ng punto, sabi ng karibal ng apache indian, isang SS nazi Gestapo, “ano gagawin mo pagka nakakita ka ng pestengde daga? Pusibleng magkalat ng sakit kahit isang kalamidad maaaring lumipol sa daigdig. Sabi ni wardaddy, matatapos ang lahat ngunit bago matapos, marami-rami pa ang mamamatay.