Una sa Marso, Pagkaraan ng Leap Year

12788347_10208421658439898_474146780_o

Andami ko nang sablay

sa loob ng mahigit na limang linggo.

Nais kong bumawi sa iyo.

Walang pagsidlan ang tuwa

ngising aso, abot tenga ang ngiti

Pakiramdam ko, ako ang bida.

 

High na high ako sa makailang beses

na pagpapakilala ng mga estudyante.

Kung ako man ang nasa pusisyon ng iba pang guro

sa Filipino, ingles o komunikasyon, edukasyon

sa pagpapakatao, xtian livin’ at araling panlipunan

maging sa kasaysayan, matutuwa ako.

 

Nawili ako sa mga mag-aaral ng baytang 10.

Mula sa pascal, Heisenberg, Harvey,

Marconi, fermat, Becquerel at ampere.

Halatang pinaghandaan ang bawat ulat

Ang mga paksa tulad ng terrorismo, k12,

eleksyon, depresenyon, diaspora,

pangangamkam ng lupa at kurapsyon.

 

Hindi ko rin makakalimitan ang mga hinahing mga pagkain:

Meryenda man o tanghalian, abot pa ng hapunan.

Maliban sa panlaman ng sikumra, nakabubusog din ng isipan

Nabasog ako sa sopas, nachos, pansit, bangus,

bistek, ginataang mais, puto at dinuguan.