Naka-itim si Sir Rhod, buti naka ube lang ako at naka-rosas ka ng kulay. Malamig sa mata, limang minute na lang, mag-uumpisa na . hindi pa tiyak ano ang kasunod na bahagi pagkatapos ng lunsad-aklat. Kung tuloy o hindi sa pagrerebyu ng mag kaeskwela kukuga ng komprehensib na eklsamen. Nilagyan ng mga linya, binura ang mga salita, binago ang ayos ng mga pahina. Parang writer’s nigjt ng pasakalye ko, ayos na may nakakuha ng siste kay Dan Brown at Mick Jagger. Naligaw ang mga mata ko sa pagpapakilala ng pambungad kay sir nonon imbis na nakalagay sa programa. Gulat na gulat ang lahat, halos mahulog ang mga panga, hindi ko sigurado kung saan mas marami nahulog sa mag sila, sa panauhin o ang kasunod na magsasalita. Sa sobrang swak ng tambalan natin, anong bilis mo, siyang bagal ko. Pagkakataon mo namang magkamali. Imbis na pagtatanghal ng libro, ang naipakilala na ang unang magbabasa bago ang naunang bahagi. Buti na lang sanay kang mag-improvise, binulungan ako sa palusot, sa sobrang pagka starstruck at pagka surpresa, nabaliktad-baliktad na ang programa. Ayus naman, binabasa ko na lang ang skrip ay napapatigil pa ako at naghahanap ng kasunod na parte.
MGA ADLIB NA HINDI NABITAWAN SA LUNSAD-AKLAT NG OMNIBUS, ANG MISTERYO NG NAWAWALANG ULO
February 27th, 2016 | General