March 9th, 2016 — General
Nagulantang na naman ako Mas mabiles ang byahe papunta Kaysa byaheng pabalik. Til a lalong bumabagal ang oras
Sobrang bagal ng takbo ng relo Minsan nuuna pa ang sakit Kaysa ang pag-aray.
Nabugbog ang tuhod mo May Tama sa likod Napatukod ang mga kamay mo Nang mapatapak sa di pantay na konkreto
Binili mo ako ng baon Pero ni Hindi kita napakape Hindi mo suot ang iyong mga gintong mata Ngunit mataas pa rin ang takong mo
Lumulutang ang mga paa Tinutulak ng hangin ang lakad Hanggang humalik sa semento At humiga sa lupa
1~5 nasa matrix ka At nakabalik na 1~5 andito pa rin ako
March 4th, 2016 — General
O ang pagsambit Ng pagkasabik Na makapiling ka tuwing gabi
Mahabang patlang ng mga salita
Distansiya ang ating pagitan
Pagitan natin ay distansiya
Ngunit marahil ay ganoon kapag natagpuan na
Ang tunay na irog at sinta
Sa bawat hamog O alitaptap Na makasasalubong
Bago at maganda ang daigdig para sa akin
February 29th, 2016 — General

Andami ko nang sablay
sa loob ng mahigit na limang linggo.
Nais kong bumawi sa iyo.
Walang pagsidlan ang tuwa
ngising aso, abot tenga ang ngiti
Pakiramdam ko, ako ang bida.
High na high ako sa makailang beses
na pagpapakilala ng mga estudyante.
Kung ako man ang nasa pusisyon ng iba pang guro
sa Filipino, ingles o komunikasyon, edukasyon
sa pagpapakatao, xtian livin’ at araling panlipunan
maging sa kasaysayan, matutuwa ako.
Nawili ako sa mga mag-aaral ng baytang 10.
Mula sa pascal, Heisenberg, Harvey,
Marconi, fermat, Becquerel at ampere.
Halatang pinaghandaan ang bawat ulat
Ang mga paksa tulad ng terrorismo, k12,
eleksyon, depresenyon, diaspora,
pangangamkam ng lupa at kurapsyon.
Hindi ko rin makakalimitan ang mga hinahing mga pagkain:
Meryenda man o tanghalian, abot pa ng hapunan.
Maliban sa panlaman ng sikumra, nakabubusog din ng isipan
Nabasog ako sa sopas, nachos, pansit, bangus,
bistek, ginataang mais, puto at dinuguan.
February 27th, 2016 — General

Naka-itim si Sir Rhod, buti naka ube lang ako at naka-rosas ka ng kulay. Malamig sa mata, limang minute na lang, mag-uumpisa na . hindi pa tiyak ano ang kasunod na bahagi pagkatapos ng lunsad-aklat. Kung tuloy o hindi sa pagrerebyu ng mag kaeskwela kukuga ng komprehensib na eklsamen. Nilagyan ng mga linya, binura ang mga salita, binago ang ayos ng mga pahina. Parang writer’s nigjt ng pasakalye ko, ayos na may nakakuha ng siste kay Dan Brown at Mick Jagger. Naligaw ang mga mata ko sa pagpapakilala ng pambungad kay sir nonon imbis na nakalagay sa programa. Gulat na gulat ang lahat, halos mahulog ang mga panga, hindi ko sigurado kung saan mas marami nahulog sa mag sila, sa panauhin o ang kasunod na magsasalita. Sa sobrang swak ng tambalan natin, anong bilis mo, siyang bagal ko. Pagkakataon mo namang magkamali. Imbis na pagtatanghal ng libro, ang naipakilala na ang unang magbabasa bago ang naunang bahagi. Buti na lang sanay kang mag-improvise, binulungan ako sa palusot, sa sobrang pagka starstruck at pagka surpresa, nabaliktad-baliktad na ang programa. Ayus naman, binabasa ko na lang ang skrip ay napapatigil pa ako at naghahanap ng kasunod na parte.
February 21st, 2016 — General
February 20th, 2016 — General
Sana’y mapasaya kita
Sa mga araw na ako’y kasama
Kahit sana sa mga alaala…
Kung sa abot-tanaw ay di ako ang makita
O ang ibig na makasama
At ang tanging makakaya
Ay maisilid ang tuwa
Sa bilang na isa Dalawa
o tatlong araw kaya Hamo na…
Tandaan na lang sana Na mahal kita
Muli At palagi…
February 20th, 2016 — General
Susulat ako ng liham para masabi ko ang hindi ko masabi Sa tuwing magkasama tayo.
Hindi ko mahuli ang mga akmang tayutay Hindi ko masapol ang mga metapora Laging sablay ang aking mga talinhaga.
Bago ako matulog, dumadalangin ika’y Matutulog na din at sabay tayo maglalayag Sa karagatan ng pagibig. Malayang lumalangoy sa himpapawid ng hinagap.
Sana paggising ko ika’y katabi ko na Magkadugsong ang mga pulso Damangdama ang pintig at inet ng iyong hininga.
Dumadatal sa buong pagkatao. Saklaw ang lahat ng pagiral Magunaw man ang Mundo.
February 18th, 2016 — General
February 15th, 2016 — General
February 15th, 2016 — General
- Ohayoo sumire
Hala late ako…
Napanaginipan kita kagabi
Aalis na raw tayo kaya inaaya na kita… Aba ayaw mo raw bitawan ang book ni hm…hahaha!
- Labo,San tau papunta
Forever?
- Yun ba ang tingin mo sa panaginip ko?… Puwede.
- Ewan,npagunipan din kita dati kasama c jcr x sir vim
Medyo sablay mga lakad ko
Pero,ayus LNG.bahala na bukas kung di ako maligaw
- Magkasama tayo o sila kasama ko?
- Mgkasama tau
Di ba nakwento ko na
Medyo surreal
Nagmimisa c jcr sabay walkout
Tas ngpaalam ako Kay sir vim para magradyo
Kaso najam ang transmission ko
Kaya nasabotahe ang radyo itim
- Ei nakalimutan ko na yung kuwento mo
- Di cguro emphatic o worth remembering
- Ah yun bang kuwento na yun? Hahahha!
Mas sweet yata ang panaginip ko, mas worth remembering..
- Cguro,mas matandain ka
Mas makakalimutin ako
