Maaga nagsimula ang lunes Nag-umpisa sa times ang byahe Sakbit ang 3 kopya ng Kaplan x Cambridge Bitbit ang 3 pang kopya ng IELTS reviewer Gang baclaran Walang abiso, dumirekta sa MRT Taft Gang Q ave Sumakay ng litex manggahan IBP road para makabalik Sa pook pag-asa Mas makitid ang kalsada Gawa ng reblocking at widening Natapyas ang sankatlong bahagi ng bakuran Nakatakid pa ang grills at hulugan ng sulat Nakakandado. Wala tao Hinabilin ko sa kapiybahay Ang 6 na kopya na pinabind. Iniwan,nagpaalam. Naghanap ng dyip Kung saan makakaupo ngunit wala Kaya sumabit gang st. Peter Sumakay ng bus gang kamuning Nagdyipbgang t.gener Sumilip,tumawag,tumambay Tas tumawag ka Wala pang tao sa green papaya Umalis, dumiretso sa cubao NagMRT uli tas multi cab gang dyip Pabalik.pag uwi ko may text Papunta raw sila ng malate area. Baka pwede ipasuyo ang mga debuho Ipinunta ko sa papaya kanina.
Ang pananahimik ba ay palatandaan ng kahinaan o para kapanatagan ng loob
April 6th, 2016 — General
Ang katahimikan ba ay pagsangayon para sa kapayapaan ng loob
April 6th, 2016 — General
Tatlong larawan ng babae: May mukha,sumasayaw at bulaklak ng lotus. Tsaka nagpaseroks, nagpaprint Para sa cebu zine fest. Nashort ako ng 183php. Di pa punapasok ang reimbursement Noong mahal na araw pang nilakad Dumalaw sea learning commons Hihiram ng mga libro nahiram na Tungkol sa balak,linambay,sugilanon. Ngunit nahalina sa mga aklat Nina Foronda,alunan at tungkok sa Kabite, kababaihan at lokal na kasaysayan. Nalipasan na ng gutom, Umuwi,sumakay ng bus Tumawag ka muli Naikwento ko ang kwento ng nanay ko Tungkol sa mga anak na makakapanhasawa ng waldas. Kasunod kong banaggit bakit may kulay buhok mo, Contact lens at mataas ang takong, Nauwi tayo sa sama ng loob, luha at sakit.
post kwaresma
April 3rd, 2016 — General
Kapwa bumibilang tayo ng araw at linggo Higit na nasisino ang mga pagkatao Ugma’y inaaninag, tinatanaw sa malayo Tigib ng pag-ibig at pangako.
Nililingon ko ang Enero hanggang Marso Saan tayo dinala ng ating pagsuyo Nahawakan ba natin ang mga anino Ng kahapong tinahak ng puso.
Ang natuklasang testamento Ay itim at maliit na libro Nabibitbit ng isang kamay Nayayakap ang mga hulagway.
Mahabang proseso rin ang dinaanan ng KABARO Kayraming iniluha, nagalit ta at nagsumamo Nagkalapit tayo at nagkalayo Sa huli’y batid na magkakampi, magkatoto.
Kumana rin tayo ng mga lakad at plano Kapag babalikan ko ang Enero, Pebrero at Marso Natalunton natin ang rehiyong apat at tatlo Sa Bataan, Pampanga, at Marinduque, magkasangga tayo.
Araw ni Balagtas
April 2nd, 2016 — General
Nasaan ang makata ng pag-ibig
Humuhuni ng berso
Nagtitilad ng iwa ng puso
Nagpapaamo’t nagpapaamot.
Nasaan ang makata ng pag-ibig
Umaawit ng tula
Nagtatapyas ng gunita
Nagpapatianod sa haraya?
Matimpi ang bawat pantig
Mabini ang sukat, di pilit
Minsan ay malaya
Humahampas, gumigimbal, yumayakap, kumakapit.
Nasaan ang makata ng pag-ibig?
Nailibing na ba kasama ng mga pahina
Ng mga aklat na ngayo’y abo na?
O naikulong sa alaala?
Buhay ang makata
Hindi lamang sa araw na hinanap siya
O sa siglong siya’y dinakila
Humihinga siya sa unang tangka
Nang subukan nating
Magmahalan kapwa.
Ika-10 linggo
March 31st, 2016 — General
Hindi na tayo nagbibilang
Dahop ang mga numero
Bilang panukat ng haba,
tindi o saysay ng buhay.
Ano ang ibig sabihin
ng ika-10, kasunod ng ika-9
o pagkatapos ng ika-11?
Marahil hindi kasing halaga
ng mga sandali at sansaglit:
tayo ay malayo at magkasama
sa diwa.
-Las Pinas
Easter Sunday x Hele sa Hiwagang Hapis
March 27th, 2016 — General
Halimaw si Simoun
Makata si Isagani
Subersibo si Basilio
Hinahanap ni Oryang
Ang katawan ng Supremo
Sampu ng ibang desaparasido
Kasama si Hule ng Nasugbu
At trayador si Ceasaria ng Silang
May TB si Mang Karyo
Ego, superego at id ang mga Tikbalang
Imbento si Bernardo Carpio
Naglalatin si Sebastian Caneo
Malabong guniguni ang Birhen ng Colorum
Ang bayan ay tumatangis at humihikbi
samantalanag nagbubunyi ang mga kawatan.
– Robinsons’ Ermita Cinema 4
1.30nh gang 10ng
MRQ break
March 20th, 2016 — General
Day 1 | South station ~ lucena | |
Day 2 | Msc courtesy call
SAS Jerome, jean, dr. maalindog Board sec ladymay logatoc President mafe, maricel, etal VPAA dr. jalos, dr. capina Budget VPRE dr. dodi Prof. Panchito
Dagat: balogo |
|
Day 3 | Gasang-gasang
– higanteng moryon – st. joseph parish
GSIS umid replacement
Dagat: buliasnin |
|
Day 4 | Sta. cruz
– centurion – san bernardo – cristy’s x roby’s – rejano bakery
MSC budget Dr. go x dr. montejo
Boac expo Myerkules santo prusisyon Senakulo part 1: creation |
|
Day 5 | Bahay lang
Kwarto re-arrange Dagat: lupac |
|
Day 6 | Boac, monserrat
Byernes santo prusisyon Boac expo
|
|
Day 7 | Star horse~ jam turbina |
Alabang-Calamba-Marinduque
March 20th, 2016 — General
Maaga pa lang gising na tayo
Kumain tayo ng hapunan
ng alas tres ng madaling araw.
Niligpit ang bahay, ipininid
ang mga silid at bintana.
Binunot ang mga
nakasaksak, pinatay
ang tubigf at kuryente.
Madailim pa nang lumabas papuntang
South Station hanggang
Diversion Road sa Lucena,
trisikel tungo sa Dalahikan.
Nakaalis na ang unang byahe
pero nakaabot tayo sa kasunod na barko.
2nd monthsari swimming sa pansol
March 17th, 2016 — General
Minamasdan ko ang
Iyong paglusong at pag-ahon
Sa malamig na swimming pool
Wari’y ipinapahinga
Ang katawang napagal
Sa maghapong paroo’t parito
Para maipalimbag
Ang sinulat ng iyong mahal.
O nahilo ka marahil
Sa pagpili ng tela o papel
Para sa mga litratong tatahiin…
Minamasdan ko ang iyong pagnguya
Ng potluck na pagkain sa mesa
Hindi na natikman ice cream na dala
Na alam kong gusto ng iyong panlasa.
Pinakinggan ko ang iyong pagkanta
Ninety ang markang nakuha
Ewan ko kung kasapakat mo ang videoke
Ako mismo’y naturete…
Malamig ang pakwan na padala ni maca
Sabi mo’y kaya mong buhatin ang dalawa
Ngunit marahil pagtayo sa bus ay inaalintana
Hiniling mong iuwi ko ang isa.
Kinawayan natin ang isa’t isa
Mahigpit na yakap ay dama
Uuwi ka na, sandaling mawawala sa paningin
Ngunit tinig mo pa rin ang maririnig sa aking paggising…
10pm, 1am, 3am
March 11th, 2016 — General
Walang kasing saya
Magising na may kasama
Kahit hindi palagi
Ikaw ay kapiling
“ang hirap mo naman mahalin,
ang hirap mo mapasaya”
talaga sigurong ganun
nagaalala kung hindi ka mapaligaya
natatakot baka mawala.