Nasa elementary pa lamang ay itunuturo na ang mga awiting bayan hindi lamang sa Tagalog kundi maging sa ibang wika. Kagaya ng Bisaya (pobreng alindahaw at usahay), sa Kapampangan (ati cu pung singsing) at iba pa. Hindi ko man naiintindihan ang mga letra, tumatak pa rin sa akin ang buod nito. Pagkapumupunta ako sa mga museo at art galeri, hindi ko tinatanong sa sarili agad kung ano ang ibig sabihin ng mga materyal? kundi mas nauunang sagutin ang tanong: ano ang nararamadan ko? Ang pakiramdam ko, pagpapapaalala ang mga awiting bayan sampu ng oral na tradisyon upang hindi tayo makalimot sa pinagmulan. Gayundin sa sarili kong pook, palaging kinukwento at palasak na alamat ni Garduke at Mariin. Noong bata pa ako hindi ko alintnana ang ibang kahulugan nito maliban sa pakiramdam na, dahil sa pag-ibig nagkaroon ng islang Marinduque. Tsaka ko na lang napalalim at napagtagni-tagni, may kinalaman ito sa pagkatao natin bagamat iba-iba at maraming bersyon ito.
Nakadalo ako ng inaugural na kumperensta ng Philippine Association for the Study of Culture, History and Religion sa Holy Angel University taong 2012. Naalala ko nasa listahang itinago ko mula sa Cebuano Studies Center ng University of San Carlos ang Center for Kapampangan Studies. Tubong San Fernando, Cebu ang nanay ko bago madestino sa isla ng Marinduque kung saan dayo rin ang tatay ko mula sa San Juan nang bahagi pa ito ng probinsya ng Rizal. Kaya nang minsang magpunta ako, sinadya ko ang Cebuano Studies Center at natagpuan ang executive summary ng consultative forum-workshop na tinaguyod ng Cavite Studies Center ng De La Salle University sa Dasmarinas. Katatapos lang ng ikalimang South and Southeast Asia International Conference on Healing, Religion and Culture, nakilala ko ang convener ng papausbong na PASCHR. Ito ang lokal na sangay ng nag-organisa ng Kumperensyang nabanggit, ang International Association for the Study of Culture, History and Religion. Kaya nakakuha ako ng pagkakataon upang makita ng sariling mata anong meron sa CKS ng Pampanga. Hindi ako nabigo, higit pa sa inaasahan ko ang nasaksihan at naranasan. Natupad pa ang isa sa marami kong pangarap, ang makapunta sa Holy Angel University para mapasok ang Center for Kapampangan Studies.
Lagi ko nakikita sa mga patalastas ang Balloon Fiesta, ilang taon ko na rin pinlano ang pagpunta sa Clark Field, Pampanga para makakita ng daan-daang mga lobong lumilipad. Kaya lang, ayaw ko magpunta mag-isa. Sayang naman kung wala kang kasama para gumawa ng mga bagong alaala sa pinakamalaking pista ng lobong lumilipad. Taong 2016 na nang matuloy ang matagal na balak, tinataon kasi parang UP Fair sa pangalawang linggo ng Pebrero kung kailan papatak ang araw ng mag puso ang Balloon Fiesta. Nagkataon na nasimulan ko na ang ginagawang kong proyekto tungkol sa mga peripheral centers sa arkipelago, kaya sinamantala ko na rin. Natupad ng isa ko pang pangarap, maliban sa pagpunta sa Balloon Fiesta kundi ang magkaroon ng kasama sa pagpunta sa CKS museum. Simula Hulyo 2015, habang binabalot ng puting hamog ang Baguio at na-stranded kami sa hostel pagkatapos ng pambansang Kongreso ng Sanggunian ng Filipino. Na-umpisahan ko na ang pakikipag-ugnayan sa mga nagpapatakbo ng mga local studies center. Una dito ang Cordillera Studies Center ng UP Baguio. Kaya naman nang Setyembre 2015, pababa na ang byahe ko mula sa Pampanga, Cavitte at Bikol. At Bago matapos ang taon, naka-abot na ako sa Davao at nakabalik sa Cebu.
Pagkatapos ng araw ng kumperensya ng PASCHR, sa huling araw ay mayroong immersion at educational tour. Kasama sa itinerary ang komunidad ng mga badjao sa Mabalacat, ang bagong bukas na healing spa sa paanan ng bundok Arayat, ang pribadong museo at sikat na kainan ni Abe Aguilar-Cruz at pook ng mag Rizalista Pampanga. kulang ang maghapon para manamnam ang bawat detalye ng ikatlong araw ng kumperensya. Sinamahan kami ni Isgani Ibarra, ang local artist na pansamanatalang naglaan ng espasyo sa mga badjao mula sa Mindanao. Malawak ang lugar sa tabi ng ilog Pampanga na pinababaw na natuyong abo mula sa pagputok ng bulking Pinatubo lampas isang dekada na ang nakakaraan. Nabigyan sila ng pagkakataon upang ipagpatuloy ang kinagisnang pamumuhay malapit sa katawang tubig, kahit hindi dagat at tila bangkang mga bahay nakatirik sa tubig at lahar. Sa kabila nito, mararamdaman mo, papalayo ka na sa magulong syudad habang lumalapit sa panulukan ni Mariang Sinukuan.
Kung ganito kakumprehensibo ang karanasan sa Pampanga para saa mga dayong tulad ko, hindi na kailangang maubos ang maghapon para maranasan ang kalinangang kapampangan. Sa Angeles, hindi bababa sa tatlo ang museo; maliban sa CKS, mayroon ding Mmuseo ning Angeles at Museo ng Kalinangang Kasaysayan. Nakapalibot lamang ang tatlong museo sa simbahan ng kabisera ng Pampanga. Wala pang 50 metro ang layo, maaaring lakarin, ikutin at libotin ang mga ito gamit lamang ang mga paa. Pagpasok mo pa lamang sa quadrangle kung saan nakalagak ang museo, aklatan/sinupan at produkto ng pananaliksik ng sentro ng pampook na pag-aaral, mahirap hindi ka mapabilib. Kumpleto ang CKS sa mga primarya at sekundaryang batis, maging mga docent at tour guide ay bihasang-bihasa na sa pakikihalobilo sa mga ibang tao kung hindi man sa mag bisita, inaasahan man o hindi.
Hindi mahirap kausap ang may pakana ng CKS, si Dr. Robby Tantingco. Sa kabila ng mahigpit na sched at sala-salabat na mga concurrent na pusisyon/ obligasyon sa pamantasang pribado, nagpaunlak pa rin siya. mahaba, masalimuot at maraming detalye ang kwento ni Dr. Robby, hinding-hindi nakakabagot o nakakabato. Simula sa Batiuan foundation hanggang sa pinakahuling prinodyus na pelikulang Ari. Natahi ni Dr. Robby ang naratibo ng CKS, nag-uumapaw ang kanyang inisyatiba at pagiging buks sa lahat ng posibilidad. Sabi nga niya “serendipitous: ang pagkakatatag ng CKS, sa pakikipag-ugnayan sa dating xsem, kanyang kaklase at matalalik na kabigian ang kanyang counterpart sa Center for Tarlaqueno Studies si Dr. Lino Dizon. Mayaman din sa detalye ang kolaborasyon ng CKS at iba pang bahay saliksikan kagaya ng Cebuano Studies, Bulacan Studies, Cavite Studies at maging Institute for Bikol History and Culture.