Kapwa bumibilang tayo ng araw at linggo Higit na nasisino ang mga pagkatao Ugma’y inaaninag, tinatanaw sa malayo Tigib ng pag-ibig at pangako.
Nililingon ko ang Enero hanggang Marso Saan tayo dinala ng ating pagsuyo Nahawakan ba natin ang mga anino Ng kahapong tinahak ng puso.
Ang natuklasang testamento Ay itim at maliit na libro Nabibitbit ng isang kamay Nayayakap ang mga hulagway.
Mahabang proseso rin ang dinaanan ng KABARO Kayraming iniluha, nagalit ta at nagsumamo Nagkalapit tayo at nagkalayo Sa huli’y batid na magkakampi, magkatoto.
Kumana rin tayo ng mga lakad at plano Kapag babalikan ko ang Enero, Pebrero at Marso Natalunton natin ang rehiyong apat at tatlo Sa Bataan, Pampanga, at Marinduque, magkasangga tayo.