O ang pagsambit Ng pagkasabik Na makapiling ka tuwing gabi
Mahabang patlang ng mga salita
Distansiya ang ating pagitan
Pagitan natin ay distansiya
Ngunit marahil ay ganoon kapag natagpuan na
Ang tunay na irog at sinta
Walang gasgas na salita…
Kaya’t sa umagang ito
Hayaan mong turan ko
Mahal kita palagi
Sa bawat hamog O alitaptap Na makasasalubong
Bago at maganda ang daigdig para sa akin
Dahil nariyan ka…